Kahit na-stranded Malaysia sa pinaiiral na Movement Control Order kaugnay sa coronavirus disease 2019 pandemic, tuloy-tuloy lang ang pagpapadala ng food packs ni Pinay weightlifting star Hidilyn Diaz sa mga kababayan.
Sa kanyang update na ibinahagi sa Instagram, nakalikom na ang kanyang lifting online seminar ng P60,909.02 at nakapag-distribute na ng 158 food packages sa may 158 pamilya sa Mampang, Bustos, Bulacan kasama ang Pangarap #Feed150 Project.
Kasagsagan pa rin ang hoisting online seminar ng 2016 Rio de Janeiro Summer Olympic Games women’s weightlifting silver medalists sa mga nais matututo ng nasabing sport.
Ito ay sa kabila na dinaranas na lockdown hindi lang sa Muslin country kundi maging sa malaking bahagi ng bansa, gaya sa Luzon na may pinatutupad na Enhanced Community Quarantine naman.
“We appreciated those who gave their feedbacks from the Weightlifting Seminar session A and session B, your feedback is important for us to improve and thank you for supporting this cause. With your help we able to give healthy food and hope to the people in need. #OlympicWeightlifting #LabanPilipinas” panapos niyang pahayag. (Janiel Abby Toralba)