Hidilyn may sinahog sa training

Aminado ang 2016 Rio De Janeiro Olympics weightlifting silver medalist na si Hidilyn Diaz na nakakaramdam siya ng takot dahil sa mahabang panahon na pagkakalayo sa pamilya dala ng pagkaka-stranded sa Malaysa na lockdown dahil sa coronavirus disease 2019.

Kasabay nito sa Instagram post niya kahapon, pinasilip ng dalagang sundalo ang bagong mga dinagdag niya sa ensayo habang nagpapraktis pa rin sa nasabing Muslim country.

Unang binahagi sa Tiebreaker Vods’ na So She Did! nina Trina Guytingco at Martie Bautista noong Martes ng gabi ng isa sa mga Olympic gold medal hopeful, ang kalagayan niya.

Ikinuwento ni Diaz na kasalukuyang nasa conditional MCO (movement control order) na nakumpleto niya noong Hunyo 9 habang patuloy na inaantabayanan na matapos ang lockdown sa bansa at paluwagin ang mga restriksiyon. (Lito Oredo)