Hidilyn tinulungan ang 516 pamilya

Naging matagumpay ang serbisyong pagtulong ni weightlifting star Hidilyn Diaz para sa mga apektadong pamilya ng coronavirus disease pandemic.

Sinimulan ng 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist ang pag-ayuda sa bawat tahanan noong Abril sa pamamagitan ng online weightlifting seminar at fund drive.

“The Covid-19 relief food drive project was successful due to the efforts of the planning put together with Roanne Beltran with the help of coach Julius Naranjo,” saad ng 29 na taong gulang, may taasna 4-11 at tubong Zamboanga City na national athlete sa kanyang Facebook post kahapon.

“I want to thank everyone for donating, and taking part in this project, and those who participated in the weightlifting seminar,” dagdag ng dalagang sundalo na tengga muna sa mga kompetisyon ng International Weightlifting Federation (IWF).

Kahit nasa Malaysia, nakapamahagi pa rin ang 2019 PH Southeast Asian Games gold medalist ng 516 food packages sa 516 pamilya sa mga lugar ng Zamboanga, Cavite, Bulacan at Metro Manila.

Punto ni Diaz, “Our Goal was not only to give them food to eat for a week, but we wanted to give them hope that we will survive this pandemic together.”

“We did it with your kindness & generosity,” panapos na pahayag ni Diaz, patuloy lang ang ensayo. (Janiel Abby Toralba)