Hindi madadaanan ng mga moto­rista ang Marilaque (Marikina-Rizal-Laguna-Quezon) highway sa Infanta, Quezon matapos gumuho ang isang bahagi nito dahil sa ilang araw na pag-ulan.

Sa ulat, nagsagawa na ng assessment ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH)upang malaman ang pinsalang dulot ng pagguho ng lupa.

Wala namang naitalang nasugatan sa insidente.