Muling magpapatupad ng panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Nabatid sa Department of Energy (DOE) na ito na ang ika-anim na pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong taon.
Tinatayang maglalaro umano sa P1.50 hanggang P1.60 kada litro ang dagdag presyo sa gasolina.
Habang nasa 25 hanggang 35 sentimos kada litro ng diesel at 40 hanggang 50 sentimos sa kerosene.
Ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod umano ng paggalaw ng halaga nito sa kada bariles ng langis sa merkado. (Juliet de Loza-Cudia)