Nawalan ng tirahan ang higit 100 pamilya nang sumiklab ang sunog sa Delpan Street, Tondo, Maynila, Miyerkoles nang umaga.

Nagsimula ang apoy dakong alas-8:32 ng umaga at umabot sa ikatlong alarma, ayon kay FCol. Gerandie Agonos, hepe ng Bureau of Fire Protection.

Magaalas-11:00 ng umaga nang maapula ang sunog.

Sa inisyal na pagtataya, aabot umano sa P100,000 ang pinsala ng sunog na tumupok sa ilang kabahayan.

Iniimbestigahan na ang pinagmulan ng apoy.

Kaugnay nito, iniutos ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kay Re Fugoso, hepe ng Manila Social Welfare Department (MSWD) at Manila Disaster Risk Reduction Management Office Director Arnel Angeles na dalhin sa Baseco Evacuation Center ang mga pamilya na naapektuhan ng sunog para mabigyan ng ayuda. (Juliet de Loza-Cudia)

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Arson sa sanhi ng sunog. (Juliet de Loza-Cudia)