Umabot na sa 1,464 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City habang 132 ang nasawi.

Nakapagtala rin ng 292 gumaling sa lungsod.

Sa kabuuang bilang, may 1,324 na kumpirmadong kaso ang nagbigay ng kumpletong address. Sa bilang na ito, may 1,102 na ang na-validate ng City Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Office.

Nananatili pa rin ang pinatutupad na extreme enhanced community quarantine sa 34 barangay sa Lungsod. (Riz Dominguez)