Nasa 2,070 katao na ang inaresto sa Pangasinan dahil sa paglabag sa Luzon-wide enhance community quarantine (ECQ) ayon sa Police Provincial Office.

Ayon kay Police Community Affair and Development Branch (PCADB) head P/Maj. Jose Abaya, ang bilang ng mga inaresto ay naitala simula noong ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ECQ noong March 16.

Sa datos na ito, 1,479 na indibidwal ang naimbitahan sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa Pangasinan matapos lumabag sa oras ng curfew.

“Aside from curfew violators, we were also able to arrest individuals for illegal gambling, overpricing or profiteering of commodities, and violation of Article 151 of the Revised Penal Code (RPC)” ani ni Abaya.

Ayon sa opisyal, 356 katao and inaresto at nasampahan ng kasong illegal gambling; 235 ang lumabag sa RPC at anim dito ang dahil umano sa profiteering. (Allan Bergonia)