Inihayag ni Chief Director Guillermo Eleazar na aabot sa 7,823 pulis ang ikakalat sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila upang masiguro na magiging ligtas ang mamamayan ngayong holiday season.
Sa interview ng DZMM kay Eleazar, sinabi ng opisyal na simula ngayong araw, sa pagsisimula ng Simbang Gabi, ay ide-deploy ang nasabing bilang ng police personnel. Higit 1,000 sa bilang na ito ay gagamitin upang bantayan ang mga simbahan sa pagsisimula ng siyam na araw ng misa na dadaluhan ng mga Katolikong deboto.
“Simula ng Simbang Gabi magde-deploy tayo, base doon sa consolidation ng mga personnel na ating mga gagamitin, specifically for the 290 places of worship or churches, we will be deploying more than 1,000,” sabi ni Eleazar.
Bukod pa sa mataas na police visibility sa mga simbahan, ikakalat din ang mga pulis na magmo-monitor sa seguridad ng mga plaza at terminal sa buong bansa.