Hilary Duff niresbakan ng nireklamong nagma-marijuana

Sumagot ang kapitbahay ni Hilary Duff na si Dieter Addison tungkol sa paratang niyang nagma-marijuana ito. Idinaan kasi ng actress sa social media ang kanyang reklamo sa kanyang neighbor.

Idinaing pa nito na wala raw ginawa ang kapitbahay niya kundi ang manigarilyo halos buong gabi.

Nag-hire ng lawyer si Addison para siyang kumausap sa actress. Pinagdiinan din niyang hindi siya gumagamit ng marijuana.

Paliwanag ng Addison: “I’ve been sober for months now. I smoke a ton of cigarettes, don’t get me wrong, but this is a smoking building, which is why I signed the lease here. I am getting a lot of hate mail and threats from her fans, it is so bad I’m going to have to get a bodyguard. I am from a very private German family and we are hiring lawyers.”