Hinabol ng mga bubuyog

Dear Dream Catcher:

Napanaginipan kong hinahabol daw ako ng mga bubu­yog, ‘yung mga honeybee madami sila kaya takbo raw ako nang takbo. Hindi naman ako nakagat ng bubuyog dahil nagising na ako. Ano po ibig sabihin ng panaginip ko?
Mary

Dear Mary:

Ang bubu-yog ay itinutu-ring na positibong pa-naginip. Ang bubuyog ay sumisimbolo sa kasiyahan at good fortune. Sa makalumang paniniwala, ang ganitong panaginip ay indikasyon ng paparating na suwerte.

Ang bubuyog ay sumisimbolo rin sa sipag at tiyaga pero kaya nga may katawagang ‘busy as a bee’ ito ay puwede ring indikasyon na magiging o nagiging aba­la ka sa dami ng trabahong dapat gawin.

Pero ang bubuyog lalo na ang mga honeybee ay may sting, hindi lamang masakit kapag nakagat ka nila kundi puwedeng mamaga ang iyong buong katawan at ang ibang tao na allergic sa kagat nito ay puwede pang mamatay kapag hindi agad nalunasan.

Kung ang iyong panaginip ay nakapokus sa nakamamatay na kagat ng bubuyog, puwede mo itong ikonek sa mga taong gumugulo sa buhay mo na gusto mong iwa­san. Kung inatake ka ng mga bubuyog, ito naman ay puwedeng indikasyon na sa aktuwal na buhay ikaw ay nasa isang masalimuot na sitwasyon at nawawalan ka na ng kontrol sa mga pangyayari.

Kadalasan ang swarm of bees sa panaginip ay good omen at indikasyon ng kasiyahan at paparating na su­werte at pera.

Puwede ring ang ganitong panaginip ay indikasyon na kailangan mo pang dagdagan ang ginagawa mo para ma­kipag-communicate at makisalamuha sa mas mara­ming tao. Kailangan mo pang mapalalim ang iyong koneksyon sa mga taong umiikot sa buhay mo.

Dream Catcher

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.