Hinarang saka niratrat sa dilim

gun-and-bullet

Dead on the spot ang isa na namang lalaking sinasabing sangkot sa iligal na droga matapos itong harangin at pagba­barilin ng dala­wang hindi pa nakikilalang mga la­laki kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Nakilala ang biktimang si Ronnie Sabsalon alyas ‘Duray’, 37, taga-Block 91, Lot 29, JP Rizal St., Brgy. Upper Bicutan, ng naturang lungsod, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa report mula sa Southern Police District (SPD), lumitaw na alas-8:05 ng gabi nang maganap ang insidente sa Cornelio St., Brgy. Upper Bicutan, Taguig City.

Habang naglalakad umano ang biktima ay biglang sumulpot sa harapan nito ang mga armadong suspek at walang salitang pinagbabaril ito na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa nakalap na impor­masyon ng pulisya, sangkot umano ang biktima sa illegal drugs at ­hindi na rin pina-autopsy ng pamilya ng biktima ang bangkay nito dahil sa personal na kadahilanan.

Patuloy pang iniimbes­tigahan ang naturang insidente.