‘PAG may kaguluhan, trahedya o pangyayaring apektado tayong lahat, pwede po ba, FACTUAL ang information na ibina­bahagi ninyo, lalo na sa social networking sites?

Huwag po kayong MAG-INARTE na parang andoon kayo nang nangyari ang gulo at first hand ang experience ninyo kaya WINDANG NA WINDANG ang mga emote, kuda, hanash at talakitok ninyo.

Bawas-bawasan din po ang mag connect the dots kaagad at blaming kung sinu-sino ang mga nagpasimuno.

Kadalasan kasi sa social networking sites, cut and paste, o sharing ang postings para lang masabing “in,” “concerned ci­tizen” at “updated.”

Kung hindi pa verified na accurate, ‘wag n’yo na pong i-post sa mga “what’s on your mind” at status ninyo.

Kung nagmamalasa­kit kayo na maging mai­ngat at kumalma ang lahat, maging MAHINAHON sa mga reaksyon at ugaliing MATALINO ang postings lalo na tungkol sa CURRENT EVENTS at STATE OF THE PHI­LIPPINES and THE FILI­PINO people.

‘Wag na pong mag­dagdag ng takot at ma­ling balita.

Hindi po nakakatuwa.