Nagpahayag ng pag-aalala sina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Bayan Muna Chairman Neri Colmenares sa inaprubahang substitute bill ng House Committee on Energy o ang Murang Kuryente Act.

Diskumpiyado ang dalawa sa magiging diskarte ng paglalalaan ng pondo ng Malampaya Natural Gas Project dahil ibabayad ito sa pagkakautang ng Natio­nal Power Corporation (NPC).

“This in effect will just circumvent the law gover­ning the funds and divert the Malampaya funds so that the executive thru Napocor (NPC) can use it for their purposes,” pahayag ni Colmenares.

“Para tuloy hinayaan lang natin na lustayin ang Malampaya funds ng ganun na lang. Lalo pa kapag inover value nila ang stranded cost ng Napocor. While it is good that we want to lower the rate of electricity but corporations should not be the ones to benefit from the taxpayers money,” dagdag nito.

Umapela naman si Rep. Zarate sa mga ahensiya ng gobyerno partikular na sa Commission on Audit (COA) na imbestigahan ang nakakaalarma na pagtaas ng mga subsidiya ng gobyerno sa mga missionary area na pumapalo sa bilyon-bilyong piso kada taon.

“We are calling on the Department of Energy, the Energy Regulatory Commission, the National Power Corp., and the National Electrification Administration and the COA to urgently look into the 300% increase in missionary subsidies in larger islands still served by the Napocor from only P3.5 Billion in 2015 to P14.13 Billion in 2020,” sabi ni Zarate.

Ang nakakaalarmang datos aniya ay hango mula sa Missionary Electrification Development Plan mula taong 2016 hanggang 2020 ng Department of Energy.

“Bakit sa halip na bumaba ay lalong tumaas ang subsidy? Baka dito lang mapunta ang Malampaya funds kung sakali,” hirit pa ng kongresista.

Inihain na ng Bayan Muna ang House Resolution 2287 para ungkatin ang usapin.