“Hindi ako bibigay anumang panggigipit na gagawin n’yo sa akin.”

Ito ang ipinahiwatig na mensahe ni Senador Leila de Lima sa pamahalaang Duterte sa paggunita niya kahapon ng kanyang ika-100 araw sa kulungan.

Sa kanyang statement, aminado ang Senadora na hindi naging madali ang 100 araw niya sa loob ng kulungan ngunit sa kabila nito ay hindi siya napanghinaan ng loob sa halip higit pa siyang naging matatag at nakikipaglaban.

Ito’y pagpapahiwatig lamang na bigo ang pamahalaan sa kanilang hangaring manahimik at tuluyan na siyang bumigay sa kabila ng patuloy na ginagawang panggigipit, pagpapakalat ng mga kasinuguli­ngan at pagdurog ng kanyang pagkatao.

Habang nakakulong ang senadora, tuloy din ang kanyang paghahain ng panukalang batas, na sa kasalukuyan ay umabot na 29 bills at 24 resolusyon.

Nakulong si De Lima dahil sa kinakaharap na kasong illegal drug trade.

One Response