Nagbigay na ng posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa hindi pa rin matapos-tapos na gusot sa 2019 national budget dahil sa mga nakasingit na umano’y pork barrel fund.
Sa kanyang talumpati kagabi sa seremonya ng Outstanding Women in Law Enforcement and National Security of the Philippines (OWLENSP) sa Malacañang, sinabi ng Pangulo hindi niya papayagang makalusot ang mga illegal sa kanyang pangangasiwa.
Nagbabala ang Pangulo na kapag hindi napirmahan ang 2019 national budget at gagamit ng re-enacted budget, babagal aniya ang takbo ng ekonomiya ng bansa at lahat ng serbisyong pang-gobyerno, may maapektuhan.
Sinabi ng Presidente na nagdedebate pa ang mga lider ng Kongreso at umaasa siyang maaayos din ang isyu para sa kapakanan ng mga Pilipino.
“Si Arroyo pati ‘yung mag-introduce sana sa akin nawala kasi nag-debate pa sila ngayon sa budget. I said my piece I will not sign anything that would be an illegal document. Magkaroon tayo ng slide sa GDP nyan if we are going to re-enact the budget, and everybody will suffer including the law enforcement.
It will decrease our GDP, alam ninyo ‘yan, walang panggastos to move on eh. It’s an everyday income that we expect. So yan ang pinagdedebatehan. Na ako naman I will not take any but anything,” anang pangulo.