Wala nang urungan ang ibinabang kautusan ni Pangulong Rod­rigo Duterte na pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos na mahabang panahon ding nabinbin dahil sa mariing pagtutol ng mga kritiko ng mga Marcoses.

Gayunman, nirerespeto naman daw ng Palasyo ang sentimyento ng mga anti-Marcos at bukas ang gobyerno sa anumang plano ng mga ito bilang pagtutol sa kanyang pagpapahintulot na mali­bing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ang pagpapahintulot na malibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay nag-ugat sa pagnanais ni Pangulong Duterte na mag-move-on na ang bansa mula sa isyu ng mga Marcos.

Pero nanindigan ang Malakanyang na maliwanag sa batas na bilang dating sundalo at presidente ng bansa ay kwalipikado si Marcos na mahimlay sa Libingan ng mga Bayani at hindi bilang isang bayani kagaya ng kinukwestyon ng kanyang mga kritiko.

Naniniwala kami sa posisyon ni Pangulong Duterte na dapat nang mag-move-on ang bansa sa isyu ng pagpapalibing kay Marcos.

Sana naman ay maging klaro na sa lahat lalo na sa mga kritiko ng mga Marcos ang rason sa likod ng pagpayag ni Pangulong Duterte na malibing ang dating Pa­ngulo sa Libingan ng mga Bayani at wala itong bahid ng pulitika.

Kailangan talagang magkaroon ng closure sa isyu ng pagpapa­libing kay Marcos at hinahangaan natin ang gobyernong Duterte na nagkaroon ng matibay na paninindigan sa usaping ito na batid nating naging dahilan ng pagkakawatak-watak dati ng ating bansa.

2 Responses

  1. ilang porsyento ba ng papulasyon ng pilipinas ang mga kontra? masyado kasing binibigyan ng pansin ang mga yan mga nabuhay kasi sa galit may parosa rosaryo pa, nag nonobena, nagpapadasal pero mga kalooban mga bulok.mga hipokrito kasi.