Maraming nagtatanong kung totoo itong ginagawang pagpapataw ng 1-taong suspension ng mga awtoridad sa mga hineteng kinakitaan ng “dudusong” pagkatalo.
Inilathala ng Abante TONITE na tatlo nang hinete ang napatawan ng mabigat na parusang 1-year suspension dahil sa kuwestiyonableng pananakay nila sa mga natalong kabayo nitong nakaraang ilang araw.
Hindi umano nasiyahan ang mga awtoridad sa ‘magaang’ na parusang ibinagay sa kanila ng mga stewards kaya nagkaroon ng moto propio na imbestigasyon sa mga ito na nagresulta ng pagpataw pa ng mas mabigat na suspension.
Marami sa mga nagtatanong ay kung nakikita din ng mga awtoridad ang ginagawa ng mga hineteng nasa mataas na antas o yung mga Class A o B na hinete. Ito raw tatlong napatawan ng tig-1-year suspension ay hindi masyadong kilala.
Meron din nagsabing hindi naman mabubuo ang 1-year suspension dahil pagdating ng Disyembre ay “bibigyan naman sila ng pardon kaya balik na naman uli ang ligaya.”
“Kung tutuusin mo talaga, suma-sample lang naman yan ng mga hindi kilalang hinete para medyo saltingin yung mga star jockeys na ‘baka maisunod na namin kayo’ kapag hindi kayo tumino.
Agosto na ngayon at halos apat na buwan na lang ay Disyembre na kung kailan lahat ng mga napenahan ay binibigyan ng pardon ng Philracom. Paano n’yo masasabing 1-year ang pagdudusahan ng mga yan?” tanong ng isang beteranong karerista.
Ilang taga-karera naman ang nagsabing “nadodoble lang ang hirap ng mga major players sa industriya tulad ng mga hinete at trainers dahil inimbestigahan at napenahan na sa karera, ipapatawag pa uli sa Philracom at panibagong imbestigasyon na naman ang susuungin namin.
Dapat malaman nila na 6 na araw ang karera sa isang linggo at hindi biro ang magbiyahe kami mula sa karerahan papunta sa Makati!”