Nauga ang Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa pagkamatay ng isang senior officials ng komisyon na sinasabing nag-suicide dahil sa inabot na pressure sa kanyang trabaho bilang pinuno ng bidding committee.

Sinasabing na-pressure diumano si ERC Director­ Francisco Villa Jr. para aprubahan ang kontrata sa pagbili­ ng P300,000 halaga ng audio visual project at kinakaladkad sa isyu si ERC Chairman Jose ­Vicente Salazar.

Sa ngayon ay dalawang ahensya ang nag-iimbestiga ­sa­ kasong ito ang Commission on Audit (COA) at National ­Bureau of Investigation (NBI). Kaya nakaantabay ngayon ang publiko sa magiging resulta ng imbestigasyon na mailabas ng mabilis ay mas lalong maigi.

May dalawang sinasabing rason para madaliin ang imbestigasyon. Una dahil may mga repormang isinusulong ang ERC at kailangang alalayan. Pangalawa ay may lumalabas na may ilan ang nakikinabang sa isyu para sa kanilang interes.

Bago kasi ang kontrobersyal na P300,000 kontrata ang ERC sa ilalim ng pamumuno ni Salazar ay nagsulong ng hakbangin para gawing competitive at transparent ang powe­r industry.

Inoobliga ng ERC ang power distributors na malayang mag-bid ng kanilang requirements at pinahihinto ang pagbili sa kaanib na power generating firms maliban na lamang kung ito na ang huling solusyon.

Kaya ang ERC ngayon ay inaayos ang lahat, para magkaroon ng katuparan ang mga isinusulong na reporma.

Kaya nga lamang lumalabas na may ilang may interes ang ­sumasakay sa pangyayari upang isulong ang kanilang personal na interes. Ang interes na ito ay naghahangad na ilibing ang ERC sa kasalukuyang mga isyu sa pamamagitan ng pag-akusa sa ahensya ng mga kabulukan na hindi tukoy sa suicide note.

Dahil sa mga lumulutang na kung anu-anong alingasngas ang hangad natin ay tumutok sana ang imbestigasyon sa mga akusasyong ibinabato ni Villa.

Sa ilang nagpapalutang ng isyu laban sa ERC, dapat ay gawin nila ito sa sarili nilang pamamaraan at hindi ginagamit ang nangyaring trahedya para isulong anuman ang kanilang agenda.

4 Responses