Dismayado si Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano sa mga ulat na dose-dosenang bilang ng mga Chinese ang nagtatrabaho sa mga infrastructure project ng gobyerno na pinondohan ng China.
“Mula sa teritoryo, pagkain at kabuhayan ng mga Pilipino sa ating karagatan, sinasalot na rin tayo ng mga Tsino sa ating kalupaan. Ninanakaw na nila ang trabaho ng ating mga kababayan. It is disappointing that infrastructure projects initially meant to provide jobs for Filipinos are now being exploited by foreigners who bear no allegiance to our flag,” ayon kay Alejano.
Ito ang reaksyon ni Alejano sa ulat na ilang dosenang manggagawang Chinese ang nagtatrabaho sa dalawang construction project na pinondohan ng China sa ilalim ng Build, Build, Build program.
Tinatanong tuloy ng mambabatas kung ano ang mga ipinangako ng China kapalit ng mga pinasok nitong kasunduan sa Pilipinas.
“What exactly did China promise this government and what exactly is the odious arrangement that our government has agreed with China that it would willfully neglect its own people,” tanong ni Alejano.