Hindi negosyo ang towing

aksyon-kaye-box Kaye Dacer

Nagbabala na si Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) Chairman Danilo Lim laban sa mga accredited tow trucks ng ahensya.

Pinaalalahanan ni Chairman Lim ang mga may-ari ng mga tow trucks na in-accredit ng MMDA na hindi negosyo ang kanilang pinasok.

Sana ay malinaw ang mensaheng ito ni Chairman Lim sa mga may-ari at tauhan ng mga towing companies na nakakalat sa Metro Manila.

Sa mga nakalipas ka­sing administrasyon ay walang ganito ka­bigat na mensahe ang mga naging pinuno ng MMDA na maaring na­ging dahilan kaya marami ang umabuso at negosyo talaga kung ituring nila ang kanilang pagkaka-accredit sa MMDA.

Dahil negosyo kung ituring ng maraming accredit tow trucks ng MMDA ang kanilang papel sa kalsada ay mas tinututukan ng mga tow trucks ang paghila ng mga sasakyang nasiraan o tumigil pansumandali dahil sa may emergency cases.

Sa halip na tumulong ay paghila agad ang kanilang ginagawa.

Kaya sana sa halip na paalalahanan ng MMDA ang mga tow trucks na umayos, mas mainam na salaing mabuti ang mga to­wing companies upang sa gayon ay mawala na sa listahan ang mga pasaway dahil sa totoo lang ay kasiraaan din sila sa MMDA imbes na maging kaagapay sa pagwalis sa mga ilegal na nakaparadang mga sasakyan.

Baka kapag nasalang mabuti ng bagong lide­rato ni Chairman Lim ang mga tow trucks na kinatatakutan dahil sabog madalas ang mga tauhan kaya sa halip na makipagtalo ay magpapahatak na lamang ang mga motorista sa takot na madisgrasya sa mga haragang mga tauhan ng mga towing companies sa halos lahat ng lungsod sa Metro Manila.