Hindi pa ako ready na magpakasal! — Rhian

Rhian Ramos

NGAYONG gabi na ang pilot ng The One That Got Away, ang bagong primetime series ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos.

Sa part ni Rhian, meron na raw lalaki from her past na nagsabing siya ang TOTGA nito.

“May nagsabi pero minsan naman sinasabi lang nila yun, ‘di ba? Hahaha!

“Ewan ko, hindi ako laging naniniwala sa sinasabi sa akin.”

Nalungkot daw siya actually nang sabihin sa kanya ng guy na siya nga ang totga nito.

“Nakakalungkot kasi hindi ko mabalik sa kanya yung ganung feelings. But now, hindi na rin naman kami nag-uusap kaya hindi ako naniniwala,” natawang sabi pa rin niya.

Hindi naman daw masigurado ni Rhian kung TOTGA nga ba niya naman ang naiisip na TOTGA niya, kasi raw, from childhood pa niya.

“Eh kung ngayon kaya yun, baka iba na rin naman ang feelings­. From childhood kasi,” saad niya.

Sa isang banda, nag-three years na raw sila ng present boyfriend. Noong December 31 raw ang anniversary nila.

Hindi pa raw nila napag-uusapan ng non-showbiz boyfriend ang kasal. Nag-uusap sila sa preference nila ng wedding pero yung wedding na sila na, hindi pa raw. Inamin ni Rhian na hindi pa talaga siya handang magpakasal.

“Hindi pa ko ready, hindi pa talaga. And I think he knows. Kasi guys will only ask if they think they’ll gonna­ get a yes.”

Alden  pa-Australia na sa  Jan. 17

NGAYONG Miyerkoles­ na, January 17 ang lipad ni Alden Richards papuntang Sydney Australia para sa kanyang show. Ang alam namin, isang linggo lang ito halos mawawala.

Finally, nagkaroon na nga ng pagkakataon ang Pambansang Bae na ma-fulfill ang napakaraming request na mag-concert siya sa iba’t ibang bansa.

Bago umalis si Alden, nakapag-Road Trip pa ito na ipinalabas kahapon. Kasama ni Alden ang ilang kaibigan sa showbiz tulad nina Divine Tetay, Sam YG at Bea Binene.

Dahil more than work, pang-relax na ni Alden na may kasamang pasyal ang natu­rang guesting sa Road Trip kaya request lang daw nitong talaga ay maging masaya ang naturang lakad nila.

At achieved na achieved daw kahit na Tagaytay lang ito na ilang ulit na rin niyang nabibisita.

Angelica puno pa rin ng hugot

KUNG may dumating­, ayaw raw ng isang Mrs. Reyes na si Angelica­ Panganiban na ma-trau­ma sa kung anuman ang mga naging past relationships niya. Gusto pa rin naman daw niyang magmahal.

Isa na nga siguro si Angelica sa bongga ang mga naging ‘love lesson’ from her previous relationships.

Maganda lang ta­laga sa kanya, ini-embrace niya anuman ito and move on. In fact, kung walang closure, e, siya na raw ang nagku-close sa sarili niya.

Sa ngayon, hindi pa raw siya handang pumasok sa relasyon. May takot pa raw siya pero one day, yun nga, pag ready na siya, ayaw raw niyang mag-hold back sa kung anuman ang mga kaya niyang gawin para sa taong ito.

Curious tuloy kami kung paanong atake ang ginawa ni Angelica ngayon sa bagong Star Cinema, Idea First at Quantum Film movie na Ang Dalawang Mrs. Reyes, at kung lalabas kaya ang mga hugot niya rito.