tonite-imo-vinia-vivarNagbigay ng kanyang reaksyon si JK Labajo sa mga pangba-bash sa kanya ngayon ng netizens dahil nga sa video na lumutang kung saan ay minumura niya ang isang fan dahil sumigaw ito ng “I love you Darren (Espanto) habang nagpe-perform siya sa Rakrakan Music Festival last March 1.

Sa kanyang Instagram Stories, sinabi ni JK na hindi raw porke’t nagmumura ay masama na ang ugali.

“Wag ka manghusga ng tao dahil lang sa mga video na nakita mo. Lalo na kung hindi mo alam ang tunay na konstekto.
“Tsaka hindi porke’t nagmumura masama na ang ugali, lumaki na ang ulo.

“Linis linis niyo naman mga santo pala kayo,” pahayag ni JK.

Aminado naman siyang bilang performer ay unprofessional ang kanyang ginawa pero bilang tao ay normal lang daw ito.

“Sa Pilipinas lang pinaka big-deal pag nagmura ang isang artist. Bakit kaya?

“I’m a chill guy but then for sure hindi lang ako ang tao na napupuno rin. Obviously as a performer what I did was unprofessional but as a human being I think what I did was normal.

“Yun yung problema eh sobrang daming mga bastos at walang modo sa shows. Naghahanap ng paraan para mapansin. Mga asal hayop.

“Kaya pala hindi umuulad ang ating bansa,” paglilitanya pa ni JK.

Sinabi rin ng singer na iba raw ang nakikita nating personalidad niya sa stage at iba rin naman daw off-stage.
“Tsaka oo nga pala. People need to learn that there are different perso­nalities that me perso­nally as an artist have.

“The me off stage and the mother fucker you see on stage.

“I’d rather you judge me if you know me well. If you know me personally. If you’ve been with me and my band somewhere na wala ka­ming ganap.

“Mahirap na magaya kayo sa iba na kung ano ang nakikita sa mga video na kumakalat grabe na agad makapanglait. Na kung ano ang chika chika na naririnig grabe na agad makapanghusga.

“Agree ako sa sinabi ni Atty. Larry Gadon,” pagtatapos ng post ni JK.

Actually, hati naman ang reaksyon ng mga tao sa videos. May nagtatanggol sa kanya at mayroon din namang nangba-bash. Hindi naman dapat i-expect ni JK na lahat ay a-agree sa kanya. Pero tama lang naman na ipagtanggol niya ang kanyang sarili.

Sana lang, nagpasa­lamat din siya sa mga supporter niya na nagtatanggol sa kanya. Mas ito ang dapat bigyan niya ng pansin kaysa sa mga basher.
***

Jason, Max bagong tandem sa Kapuso

Tuloy-tuloy ang mga pasabog ng Kapuso Network para sa kanilang loyal viewers. Kabilang dito ang pina­kabagong Afternoon Prime soap na pagbibidahan nina Max Collins at Jason Abalos na pinamagatang “Bihag.”

Maraming aabangan sa Kapuso series dahil balita namin pinagsama-sama ang action, suspense, thriller, at family drama.

Excited na ibinahagi nina Max at Jason na magugustuhan ng mga viewer ang serye dahil sa intriguing na kuwento nito. Puspusan na ang kanilang paghahanda para lalong mapaganda ang show na malapit nang mapanood sa GMA Afternoon Prime. Ang “Bihag” ay sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario.