IPINAGTANGGOL ni Paolo Ballesteros ang kasamahan sa Eat Bulaga na si Joey de Leon hinggil sa bagong kontrobersiyang kinasasangkutan nito ngayon.

As we all know, umaani ng katakot-takot na batikos ngayon si Joey dahil sa mga naging komento nito sa isang contestant sa Juan for All, All For Juan segment ng Eat Bulaga na isang dating prostitute.

Ayon kay Paolo nang makausap ng entertainment press sa premiere night ng Amnesia Love, naintindihan naman daw niya kung hindi masak­yan ng mga tao ang mga biro ni Joey.

“‘Yung ibang tao naman kasi, siyempre, hindi nila mage-gets kung halimbawa, first time nilang napanood ‘yung Bulaga, ‘di ba? Alam niyo naman si Joey de Leon, ma-ano ang utak niyan, eh ‘di ba? Henyo nga ‘yan, eh. Mabilis ang utak niya sa mga ganyan, eh.

“Of course naman, he doesn’t mean na saktan ‘yung tao, ‘di ba? Dahil lahat naman kami nandito sa Bulaga para magpasaya ng tao. I mean, wala naman sa mga buto namin na para maging masama ‘yung tao, ‘di ba, ganu’n?

“So, I’m sure and 100% sure na joke lang ‘yun, na it’s just misunderstood by, well, apparently many, kasi marami palang na-offend.
“But then again, ano lang naman ‘yun, wala namang. . .hindi naman siya pumatay ng tao, ‘di ba?” pahayag ni Paolo.

Naniniwala si Paolo na hindi intensyon ni Joey ang makasakit ng damdamin ng tao. At kahit sinuman daw sa kanila sa Eat Bulaga ay hindi gustong makasakit ng tao.

“Ang Eat Bulaga naman, ilang years na sa TV, para naman ‘yun pa ang maging intensyon namin na makasakit ng tao. Siyempre, hindi naman tatagal ng 39 years kung ganu’n ang intensyon namin but always, all the time, ang intensyon namin is mapasaya ‘yung mga tao,” saad pa ni Paolo.

Samantala, masayang-masaya naman ang aktor sa mga positive feedback na natanggap nila sa Amnesia Love. Marami ang kinilig sa tambalan nila ni Yam Concepcion at pati na rin sa pairing nila ni Polo Ravales.

“Kinilig din ako in a weird way,” natatawa niyang sambit.

Showing na ngayon ang Amnesia Love sa mga sinehan mula sa direksyon ni Albert Langitan and produced by Viva Films.