Nag-e-effort ang ­Bureau of Customs (BOC) para malinis mula sa korapsyon dahil alam naman nating isa ang tanggapang ito sa tinaguriang pinaka-korap na ahensya ng gobyerno.

Ang naisip na solusyong­ ilatag ng kagawaran ay ang pagka­bit ng mga CCTVs dahil sa pamamagitan umano­ nito ay maiiwasan ang mga ‘milagrong’ nangyayari sa mga tanggapan­ ng Customs lalo na sa ­Kamaynilaan.

Ang paglalagay ng mga CCTVs ay iniutos ni Commissioner Nicanor Faeldon upang maipa­kita sa publiko ang mga nangyayari sa loob ng kagawaran kung saan kasama ang kanyang tanggapan.

Matatapos ang pag­lalagay ng mga securit­y camera sa BOC ngayong­ buwan kaya asahan na natin ang mapinong kilos­ sa mga tanggapan ng BOC.

Pinupuri natin ang BOC sa inisyatibo nilang ito sa pangunguna ni Com. Faeldon.
Pero hindi ba alam ng pamunuan ng BOC na hindi naman sa mismong mga tanggapan ng kagawaran nangyayari ang mga milagro?

Wala bang naka­pag­sabi­ kay Com. Faeldon na kadalasang nangyayari ang ayusan, areg­luhan o kung anumang iregularidad ng mga ­empleyado at opisyal diyan­ sa Customs sa pagitan ng mga broker o smuggler ay sa labas ng tanggapan?

Hindi lamang iyan kundi nangyayari ang ayusan sa bangko na lamang­. Sa pamamagitan­ lamang ng mga bank ­accounts ay tapos na ang transaction.

Hindi sa minamaliit­ natin ang inisyatibong ito ng BOC pero, Commissioner Faeldon, hindi­ masosolusyunan ng mga CCTVs na iyan ang ­problema sa korapsyon diyan sa BOC.

Kahit balutin niyo pa ng mga CCTV ang BOC ay hindi maitatago ang korapsyon at mabubura­ ang impresyong korap ang karamihan sa empleyado at opisyal ng BOC.

Kaya ang ating payo kay Com. Faeldon, mag-isip pa kayo ng ibang solusyon dahil hindi­ ­angkop ang inilatag ­ninyong hakbangin.

At isa sa aking­ ­irerekomendang solus­yon­­ ay gawing regular ang pagla-lifestyle check sa kanilang mga empleyado­ at siyempre kasama ang mga opisyales­ nito para mamonitor ang pag-angat ng kanilang kayamanan kung mayroon man.

One Response