Hindi si Vice ang under surveillance!

Jonalyn Viray

HAVEY: Balik-‘Pinas si Jam Morales, ang ‘80s singer na nagpasikat ng mga awiting Even If at A Smile in Your Heart.

Napangasawa niya ang singer din na si Charles Harner.

‘Yung mga nakasama niya ay nagsasabi na napaka-down-to-earth at napaka-approchable ni Jam na nag-guest na sa Sunday PinaSaya.

“My batch is Martin Nievera, Gary Valenciano, Joey Albert, Zsa Zsa Padilla and Jennifer Ramos. It was called the Batch ’83.

“Well actually, how it all started was with my auntie Sampaguita, who is Asia’s Queen of Rock and my uncle, who was Rico Puno’s musical director.

“I guess entertainment is in my blood. I used to carry all my aunty’s costumes.

“Then I became her back-up singer. Next I started to do jingles and commercials.

“The one big break that I had was winning the Metropop song competition. It’s a kind of American Idol and X-Factor cross. “It was a big national competition. And that’s where I sang A Smile in Your Heart and won.

“I was the Grand Champion. So that’s how it kicked off. The rest is history,” pag-alala ni Jam.

Bukod sa pagiging mahusay na recording artist at concert performer, naging co-host din si Jam sa GMA Supershow ni Kuya Germs.

Three decades ago she decided to give up her blossoming singing career sa Pilipinas to raise a family in the United States. She is currently based in Albuquerque, New Mexico.

“I thought I was going to get out of the business. But people were begging me to give singing lessons to their kids and eve­rything.”

She now manages her own performing arts school, Jam’s Voice Studio.

“I started off with 15 students and now the roll is 50,” sabi ni Teacher Jam.

“Just word of mouth; it just grew and grew and grew.

“Then I started teaching at a performing arts school. I’ve been teaching voice lessons now for 21 years.

“I’ve had students who were in American Idol, X-Factor and most recently one of my students made it into The Voice.”

Pero kahit rewarding at masaya si Jam sa pagtuturo, nami-miss pa rin niya ang pagkanta.

Whenever possible, nagpe-perform pa rin siya sa Filipino communities.

Ngayong Agosto, iikutin ni Jam ang Pagcor casinos with shows sa Davao (August 5), Pavilion (August 12), Ma­labon (August 19), Cebu (August 20), Mimosa (August 26) and La­oag (August 27).

Marami sa mga nakapanood kay Jam ang nagsasabing puwede siyang maging ina ni Jonalyn Viray na nag-ober-da-bakod na sa ABS-CBN at nag-iba na rin ng pangalan bilang Jona.

***

Vice Ganda
Vice Ganda

WALEY: Mula nang masulat ang tungkol sa dalawang TV host na kapwa may-ari ng party club sa BGC na under surveillance dahil sa reports umano ng paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na droga, meron nang mga nag-isip na si Vice Ganda ang isa roon.

Categorically, sinabi ng mga nasa pulisya na abswelto si Vice Ganda sa usaping ito.

Hindi siya ang tinutukoy ni Mon Tulfo sa kanyang expose.

Hindi maggi-guest si PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa shows ni Vice na GGV o Showtime kung siya ang tinutukoy na lumalabag sa batas.

Umaasa na lang ang kinauukulan na tumigil na ang mga tao (showbiz man o hindi) sa talamak na paggamit at pagbebenta ng bawal na droga.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me @iamnoelferrer.