Sa kauna-unahang pagkakataon, naglabas ng kanyang saloobin si Liza Soberano kaugnay sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.
Idinaan niya sa Instagram post ang kanyang mensahe.
Aniya, ang susi ay magkasundo ang kompanya at ang gobyerno, at magpokus sa kung ano ba dapat ang talakayin.
“Hindi po ito ang tamang panahon para mag away away ang lahat. We all have different principles in our life and we all have the right to our own opinions. Pero kung mapapansin po ninyo, pride ang nanaig, and because of our pride and beliefs we are forgetting what is truly important during these tough times, at yun ang maging mabuting tao sa lahat,” ani Liza.
“I believe that ABS-CBN, the senate, and the congress are all doing their best para maayos ang lahat sa tamang paraan at tamang proseso. Naniniwala ako na kung may pagkakamali o pagkukulang man ang aming istasyon, sinisikap po ng aming leaders na maisaayos po ang lahat,” dagdag niya.
Marami raw empleyado ng ABS-CBN ang magiging masaya kabilang na siya kung mabibigyan ang ABS-CBN ng bagong oportunidad na magpatuloy sa pagseserbisyo sa publiko.
Kaya naman diretsahan na siyang nakiusap sa mga mambabatas na i-renew ang prangkisa ng network.
“Walang mawawalan ng trabaho, mas marami ang mabibigyan ng tulong. To our dear lawmakers, may I humbly ask, please renew the ABS-CBN franchise.”
(IS)