Mga laro bukas:
(STRIKE Gym, Bacoor, Cavite)
4:35 p.m. — Cignal vs Smart
8:05 p.m. — Sta. Lucia vs Cocolife

Nanilat ang Generika-Ayala nang pagulungin ang liyamadong Foton 25-23, 20-25, 21-25, 25-12, 15-13 kagabi sa Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nagtulungan sina locals Bang Pineda at April Ross Hingpit upang akbayan ang Lifesavers at ilista ang malinis na dalawang panalo.
Hindi nasindak ang Lifesavers sa matatangkad na Tornadoes, pinalo ni Pineda ang game-winning spike para makuha ang importanteng panalo.

Tumikada ang da­ting Queen Falcon na si Pineda ng 20 points, 18 galing sa spikes.

“I told Bang to give full effort in her spikes because we’re facing a tall Foton team and Jaja Santiago kept on blocking her. She followed my instructions and hit the winning spike,” wika ni Generika-Ayala head coach Sherwin Meneses.

Bentahe ang Foton 13-12 sa fifth set pero humataw ng tatlong sunod na puntos ang Generika-Ayala para ipalasap sa Tornadoes ang ikalawang sunod na talo sa event na suportado ng Isuzu, UCPB Gen at SOGO Hotel habang ang ESPN5, Hyper HD at Aksyon TV ang broadcast partners.

Nagwagi sa opener ang Lifesavers, kinalos nila ang United Auctioneers-University of the Philippines (UA-UP) 25-22, 25-9, 23-25, 25-16.
Noong Sabado, tinaob ng F2 Logistics ang Tornadoes, 25-21, 25-21, 25-14.