Panibago na namang hinihinalang cocaine brick ang natagpuan sa baybayin ng Mauban, Quezon kahapon.

Magugunitang noong nakalipas na linggo ay nakarekober din ang mga awtoridad ng dose-dosenang cocaine brick sa Camarines Norte, Surigao del Norte at Dinagat Island.

Sa report ng pulisya, ang sinasabing ang cocaine brick ay natagpuan kahapon nang umaga ng isang barangay tanod na si Johnel Escudero sa coastal boundary ng Brgy. Rosario at San Jose, Mauban.
Nang buksan ng tanod ng Brgy. San Jose ang namataang balot at maghinala sa laman ay agad niya itong ini-report sa kanilang chairman

Sa kasalukuyan ay sinusuri na ang hinihinalang cocaine brick. Naghigpit na rin ang pulisya sa mga coastal area para alamin kung may iba pang hinihinalang cocaine brick na inanod mula sa dagat.