Hinintay pa ang pagkain: Robin ginutom si Digong

Sa kanyang Instagram account ay ikinuwento ni Mariel Padilla ang experience niya sa private dinner na inorganisa ng common-law wife ni President Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña na ginanap sa Malacañang Palace last Tuesday.

Invited sa nasabing dinner ang mga celebrity supporters ni Digong at siyempre, kabilang si Mariel at ang mister na si Robin Padilla na as we all know ay isa sa mga strong supporters ni Digong noon pa mang tumatakbo itong Presidente.

Sa post ni Mariel, makikitang labis niyang ikinatuwa ang napakagandang treatment ni Pres. Duterte sa kanilang mag-asawa.

“A memorable evening for me courtesy of President Rodrigo Roa Duterte and First Lady Honeylet. PRRD is not the first President that I campaigned for but he is the first President to invite me to the palace.

“The room was filled with celebrities who supported him both silently and openly. When the President arrived he sat down and immediately said ‘mag tatlong taon na akong presidente nga-yon lang ako makapagpasalamat sa inyo.’

“Madam Honeylet flew in from Davao just to be at the thanksgiving dinner and she flies back to Davao the next day, during her introduction speech she mentioned that they are not really fond of hosting parties… so i knew it was a special night!” ang bahagi ng caption ni Mariel sa mga larawan nila na kuha mula sa dinner.

Patuloy ni Mariel, nagpahanda pa raw si Digong in advance ng pagkain para sa kanila ni Binoe since hindi nga sila kumakain ng meat.

“On the menu was salad, mushroom soup, fillet mignon and strawberry cheesecake. The menu was a special request made by the President himself ‘sabi ko ibahin naman ang pagkain. Kasi ang pagkain talaga dito isang ulam, kanin at sabaw. Sabi ko gawin espesyal.’ My favorite moment of the evening that made me admire our President even more… the fillet mignon was wrapped in bacon so in advanced the kitchen staff prepared fish for Robin and I.

“When our fish arrived Senatorial candidate Freddie aguilar and his wife, Jovie, wanted fish as well because they are muslims too.

“Robin being the gentleman that he is gave his fish to Jovie so she could eat ahead. The whole table was prompted to eat all except for Robin, Ka Freddie and PRRD,” kuwento ni Mariel sa kanyang caption.

At dahil nga ibinigay ni Binoe sa asawa ni Ka Freddie ang food nito, naghintay na lang ng bagong serving ang action star. Pero sobrang na-touch si Mariel nang ayaw kumain ni Digong hanggang hindi dumadating ang food ng kanyang mister.

“He said ‘sige kumain na kayo hintayin ko si Robin’ and he really waited for Robin’s food to arrive. I know maliit na bagay but diba it’s the little things that matter. Super nakakatuwa at nakaka touched talaga,” post pa ni Mariel.

Ayon pa sa TV host ay hindi nasayang ang loyalty ng mister kay PRRD.

“Yung loyalty ni Robin kay President ay hindi sayang because it is reciprocated with kindness. Truly a memorable evening!!! Big big thanks to Senatorial Candidate Bong Go for making the evening possible. (side kwento I didn’t know hindi pala pwede naka sleeveless… i had to co-ver my beautiful Carolina Herrera dress hehe buti na lang may blazer sa car)” pagtatapos ng caption ni Mariel.
***

Hero papalit sa trono ni Bistek

Mukhang si Quezon City 4th district Councilor Hero Bautista na nga ang susunod sa mga yapak ng kapatid na si QC Mayor Herbert Bautista. Ang naturang re-electionist Councilor ang humarap kahapon sa birthday treat ng alkalde para sa mga entertainment press na nagdiriwang ng kaarawan from January to June.

Taon-taon ay tradis-yon na ni Mayor Bistek ang magbigay ng lunch birthday celebration para sa mga nagdiriwang ng kaarawan na press people all year round.

Pero kahapon ay absent si Mayor at hindi nakadalo and instead ay ang mga kapatid niyang sina Hero at Harlene ang humarap sa press.

Aminado naman si Hero na talagang gusto niyang sundan ang yapak ng kanyang Kuya pagdating sa politics. Nais daw niyang ipagpatuloy ang mga proyekto nitong iiwanan sa Kyusi at hihigitan pa niya.

Sa ngayon kasi ay pahinga muna sa politika si Bistek dahil nasa pangatlong termino na siya ng pagiging Mayor at hindi na siya tumakbo pa sa kahit anong posisyon ngayong eleksyon.

Ayon kay Harlene, “Bistek is catching up ngayon sa mga anak niya dahil nga malalaki na ang mga ito.

“Hindi naman ibig sabihin, nu’ng lumalaki sila (ang mga bata), pinabayaan niya, he was never like that. So, ngayon, gusto lang niya to spend more time since he started in public service since he was 15 yrs old.

“So, 35 to 36 years old (of being a public servant), siguro, okay lang naman na magpahinga siya, to take a break, and kasi, hindi na rin tayo bumabata, hindi na rin siya bumabata.

“So, hangga’t may mga bagay, activities na puwede siyang magawa with the kids, eh ‘di I think, this is the right time,” sabi ni Harlene.

Gusto rin daw ni Bistek na asikasuhin ang Heaven’s Best Productions nila at maybe, balikan ang pag-aartista.

Ayon naman kay Councilor Hero, kahit naman daw nasa “break” ang kuya niya ay sinusuportahan pa rin naman daw nito ang kandidatura niya.