Hinog na si General Eleazar para maging PNP chief

Wala pa ring napipisil si Pangulong Rodrigo Duterte para permanenteng pamunuan ang Philippine National Police (PNP) kasunod ng pag­retiro ng dating hepe nitong si Gen. Oscar Albayalde.

Hindi natin masisisi ang Pangulo na maging maingat sa pagtatalaga ng susunod na PNP chief dahil sa eskandalong kinasangkutan ni ret. Gen. Albayalde.

Kanya nga lamang sa desisyong ito ng Pangulo ay may ilang karapat-dapat sa posisyon ang nasakripis­yo.

Isa rito si PNP Directorial chief Guil­lermo Eleazar na isa sa maingay na contender bilang PNP chief dahil talaga namang karapat-dapat siyang mamuno sa PNP.

Kaya sana ay makita ng Pangulo ang mga katangiang taglay ni Gen. Eleazar para pamunuan ang ating pambansang pulisya.

Unang-una ay napakaraming pagbabagong inihatid ni Gen. Eleazar sa PNP noong ito ay pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at sa iba pang puwestong pinanggalingan nito dahil talaga namang nagmarka ang PNP pagdating sa dami ng accomplishment at pagpapatino sa mga bulok na kagawad ng PNP.

Sa totoo lang hinangaan ang PNP noong mga panahong masigasig si Gen. Ele­azar sa mga kampan­ya kontra krimen at sa giyera kontra iligal na droga.

Dahil hindi pa nakakapili ang Pangulo ay itinalaga muna niya si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na pangunahan muna at ayusin ang PNP.

Nagbigay na ito ng direktiba kay Año na ayusin ang PNP para mabawasan ang problema ng bansa kapag natapos ang kanyang termino sa 2022.

Ang PNP sa kasalukuyan ay pinamumunuan ni Lt. Gen. Archie Gamboa matapos pangalanang officer-in-charge nang magbitiw si dating PNP chief Albayalde bago ang kanyang retirement.

Bagama’t may mga pansamantalang iniluklok ay dumating din ang tamang panahon para permanenteng pinuno na ng PNP ang iluklok upang makapaghatid ng naratapat na serbisyo.