Sa darating na Sabado magkakatapat ang aktres na si Julia Barretto at ang “Wowowin” host na si Herlene Budol (mas kilala bilang “Hipon Girl”). Kapwa sila bibida sa magkatapat na “Maalaala Mo Kaya” at “Magpakailanman”.
Ito ang unang beses na gaganap at aarte si Hipon Girl kaya naman nagmakaawa siya kay Julia na pagbigyan siya na manalo sa ratings.
Marami ang naaliw sa Instagram story ni Herlene. Aniya, “Mas maganda ka, mas magaling ka, mas sikat ka, mas sexy ka. Paubaya mo na lang ‘yung rating hahahahha.”
Sa panawagan ni Hipon Girl, didinggin kaya ng nga netizen ang kanyang hiling? ‘Yan ang dapat tutukan sa darating na Sabado. (Rona Ronda)