Hirap sa ‘taping’

‘Taping’, isang bahagi ng trabaho ng mga artista at isa sa pinakamahirap.

Akala ng lahat porke napapanood kami sa telebisyon, sa mga serye, napakadali na ng trabaho namin bilang artista.

Gaya rin po kami ng mga ibang manggagawa na kumakayod nang todo para mabigyan ng magandang kinabukasan ang aming mga sarili pati na ang aming mga mahal sa buhay, gaya na lamang ng aking only daughter na si Mandy.

Gumigising po kami nang maaga (madalas umaalis kami ng aming mga bahay nang wala pang araw) para hindi kami ma-late sa trabaho.

Nakakapagod, nakaka-stress, nakaka-pressure. Highly emotional madalas ang taping kung saan ibang tao ang ipo-portray mo, malayo sa tunay mong personalidad o pagkatao.

Nakakaubos ng lakas at nakakatuyo ng utak ang taping lalo’t buong maghapon ka sa location. Paiba-iba ng emosyon.

Utak, puso, damda­min, katawan, at buong katauhan ang puhunan para po makapagbigay ng entertainment sa mga manonood.

Sa tagal ko na po sa showbiz, napag-aralan ko na ang dapat gawin para hindi ma-haggard at mag-mukhang bilasa after taping.

Natutulog at nagpapahinga po kami kapag walang take o kinukunang eksena sa harap ng kamera.

Ipinapahinga ang aming mga katawan at utak bilang paghahanda sa mas mabibigat na eksena.

Madalas akong umiinom ng tubig, naglalagay ng moisturizer, sunblock at face mist para kahit mabilad sa araw, hindi madi-dehydrate ang skin namin.

Uminom ng vitamins, fruit juice, kumain ng prutas o mga pagkaing may anti-oxidant component.

Makipag-usap sa mga tao sa set, makipagbiruan, makipagtawanan para ma-release ang tensyon galing sa kinunang eksena lalo na’t drama.

At pag-uwim magpa­hinga sandali, makinig ng music, at saka mag-hot bath tapos matulog nang mahimbing.

Sa kahit na anong trabaho, importanteng iwan sa opisina o work place ang pressure, tensyon ng trabaho at huwag dalhin sa bahay (kung kinakailangan) para maipahi­nga ang utak at katawan.

Hindi po ito beauty secret kundi dapat talagang gawin ng bawat Pinoy na nagtatrabaho nang todo.