Hihilingin ng Department of Transportation (DOTr) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na gumawa ng formula para maging ‘automatic’ na ang pagdedesisyon ng ahensiya sa dagdag pasahe sa halip na umasa ito sa petisyon na ihahain sa kanila ng mga public transport group.

Sinabi ito ni DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark de Leon kasabay ng pahayag na kanilang hihilingin sa LTFRB na pag-aralan muli ang pasahe sa mga pampublikong sasakyan sa gitna na rin ng pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

“We will ask LTFRB to review the fares in light of the new developments, such as lower cost of fuel in world prices. This applies to all modes of transport, such as jeeps, buses and UV Express,” ayon kay De Leon.