Dahil sinabi ni Pastor Apollo Quiboloy na siya ang nagpatigil ng lindol sa Mindanao, sa telecast ng “It’s Showtime” the other day ay hinamon siya ni Vice Ganda na ipatigil ang “Ang Probinsyano” ni Coco Martin at ang traffic sa EDSA.

Sabi ni Vice, “Alam mo kung sino ang magiging pinakamatinding kalaban ni Cardo? Naku, kabahan na si Cardo. Feeling ko si Quiboloy, ‘yung nagpahinto ng lindol. Si Quiboloy lang ang mapagpapahinto ng Probinsyano. Abangan ninyo iyan.”

Naaliw naman ang audience ng noontime show ng Dos sa winikang iyon ni Vice.

“Hinahamon kita, Quiboloy. Ipahinto mo na ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol eh. Napakayabang niyo pala eh.

“Sabi niya raw, stop. Sige nga, punta ka ng gitna ng EDSA, stop mo ‘yung traffic doon.”

Naloka ang diva that you love sa sinabing iyon ni Quiboloy.

Nag-trending ang kilalang pastor na nagpapakilalang Appointed Son of God at leader ng Davao-based religious group na Kingdom of Jesus Christ nang sabihin nitong malaki ang nagawa niya para mapatigil ang malakas na lindol na 6.6 magnitude sa Mindanao.

Aba, kung nagawa talaga niyang patigilin ang lindol, dapat ang sinunod na ginawa ni G. Quiboloy ay ipinahinto na rin niya ang mga aftershocks the following days.

Better yet, dapat hindi na talaga lumindol if he really has that immense power on the forces of nature. ‘Pag sinabi niyang stop, stop talaga.

Pero naku naman! Paano naman tayo maniniwala na napatigil ni Mr. Quiboloy ang lindol? Bakit, Diyos ba siya?

Busog ba si Mr. Quiboloy when he said those words? Baka naman nalipasan siya ng gutom, kaya may ganoon siyang mga salita?

Eh kaya ba niya ang challenge na mapatigil ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin? Eh lahat ng programang itinapat ng GMA-7 sa action-series ni Coco ay nagbabu sa ere? We doubt it very much if he can stop “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Hindi pa ito ang katapusan ni Cardo Dalisay!

Sige nga, subukan nga ni Quiboloy na gumitna sa EDSA to stop the traffic. Wala ngang nagawa ang MMDA sa problemang ito, eh siya pa kaya.

Nananalig ang diva that you love na ‘di tatanggapin ni Mr. Quiboloy ang challenge ni Vice Ganda.