Nagsimula na kagabi sa primetime ng GMA-7 ang tagalog dubbed na Sky Castle.
Isa ito sa pinakamagandang k-drama.

Surprise hit drama ito mula sa cable channel na JTBC. Expected na kapag cable channel ay mababa lang ang karaniwang ratings o audience share. Pero ginulat ng Sky Castle ang lahat dahil sa taas ng ratings nito and being considered as the highest drama in Korean cable television

Tampok sa K drama sina Yum Jung-ah, Lee Tae-ran, Yoon Se-ah, Oh Na-ra at Kim Seo Hyung.

Masasabing espesyal ang drama na ito dahil ang mga kilala at pinagkakatiwalaang Kapuso actresses ang tinap ng network para magbigay ng boses.

Ang mga ito ay sina Sunshine Dizon, Angelu de Leon, Angelika Dela Cruz, Lotlot de Leon, at Chynna Ortaleza.

Sa mga hindi pa nakakapanood ng Korean drama na Sky Castle, kuwento ito ng rich, elite, pedigreed housewives na gagawin ang lahat para makapasok sa top university ang kanilang mga anak.