Hiwa ni Solenn binuyangyang

Proud na ipinakita ng new mommy na si Solenn Heussaff ang kanyang hiwa dulot ng kanyang pagbubuntis.

Sa kanyang Instagram story, pinakita ni Solenn ang hiwa na ginawa sa kanya matapos iluwal si baby Thylane via caesarean section.

Sey ni Solenn, ito ay para sa mga mommy na hindi sigurado kung pupuwede nang mag-workout matapos manganak.

“For moms asking, my CS is bikini cut super low. Don’t feel numbness and feel okay to workout,” ayon sa aktres.

Makikita rin sa IG ni Solenn ang kanyang mga workout na ginagawa ilang linggo matapos manganak. (RP)