THE trouble with hello is GOOD-BYE.
Iyan lang ang pwede kong i-react sa paghihiwalay ng de kolor at puti nina Gab Valenciano at Tricia Centenera.
Si Gab, kaya lang pinag-uusapan, kasi nga, anak ni Gary Valenciano.
Buhay ang katotohanan na hindi ito naging kasin’sikat of his papa dearest.
Si Ms. Centenera is still a private person, bagama’t may pangarap na bituin yatang mag-host at mag-theater or TV.
Ni hindi ako sure kung related siya kay Ms. Sharmaine Centenera-Buencamino, na isa sa pinakamahusay nating aktres sa teatro, telebisyon at pelikula.
Ayokong maging harsh at sabihing the WHO times two silang dalawa kaya bakit ba natin pakikialaman kung sakali mang tuyo na ang damdamin nila for each other?
They are adults. They know what is best for them. Tigil putukan na sa mga ispekulasyon at haka-haka.
Hindi lang sila ang naghihiwalay. On a daily basis, maraming couplings na nagpapaalam sa isa’t isa.
And life goes on for all of us, and the separated lovers.
Kahit hiwalay na sina Gab at Tricia, patuloy pa rin ang Tsina sa pagpapatayo ng mga isrtruktura sa West Philippine sea. Deadma sila sa desisyon mula sa the Hague Tribunal kaya walang impact sa international community ang hiwalayang Valenciano-Centenera.
Sa hiwalayang bang ito, huminto ang oral arguments patungkol sa kung dapat bang ilibing o hindi sa Libingan ng mga Bayani si ex-president Ferdinand Macoy?
Lalong umiigting ang mga argumento, debatehan at paliwanagan at mas higher cause ang diskusyong ito kesa sa hiwalayang Valenciano.
May maitutulong ba sa Philippine Stock Market ang hiwalayang Gab at Tricia?
Mas tumatag ba o mas humina ang piso dahil tapos na ang kanilang pagmamahalan?
Kung nay, nada, negative at waley ang sagot sa mga katanungan, alam na alam na.
Hayaan na lang natin na plantsahin nila ang mga gusot nila sa buhay.
Move on at move forward na tayong lahat, agad-agad!