Hoarder ng face mask dinampot

arrested

Nasabat sa isang warehouse ang iba’t ibang mga face mask, surgical gloves at medical supplies makaraang salakayin ng Makati Police at National Bureau of Investigation (NBI) ang isang warehouse kahapon sa Makati City.

Naganap ang raid sa isang imbakan sa Barangay San Isidro matapos makatanggap ng ulat na nag-iimbak umano ang may-ari ng gusali na si Ram Sehwani, general manager ng Newlife Pharmaceuticals Inc.

Ayon kay NBI agent Yuri Beltran, inamin ni Sehwani, na ‘for delivery’ ang mga medical supplies at inimbak lang sa nasabing warehouse.
Iginiit din nitong kumpleto ang kanyang mga dokumento sa kargamento at updated ang kanyang mga permit.

Kasalukuyang nasa tanggapan ng NBI ang may-ari ng bodega. Inaalam na rin kung kakasuhan ng hoarding at kung ligal ang mga nasabat na medical supplies. (Vick Aquino)