Swak ang Philippine National Men’s Ice Hockey Team sa national contingent para sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa August 19-31.
“They earned their slot in the 2017 SEA Games,” deklara kahapon ni POC-PSC Task Force chairman Tomas Carrasco, Jr. sa weekly PSA Forum sa Golden Phoenix Hotel sa Pasay.
Ayon kay Carrasco, naka-third place finish sa Division 2 men’s event ang national squad sa 8th Asian Winter Games sa Sapporo, Japan nito lang Feb. 17-27 para makapasok sa SEA Games delegation.
“The ice hockey team played four games and lost only once. Their bronze-medal finish, with ice hockey being played for the first time in SEA Games, qualifies them to compete in the SEAG,” paliwanag ni Carrasco.
Tinalo ng Pilipinas ang Macau sa labanan para sa pangatlong puwesto 9-2 matapos agad na umiskor ng limang goals sa opening period. Tinapos ng Pilipinas ang torneo na 13th placer overall sa 20 entries.
Sa pangwakas, sinabi ni Carrasco na kumpiyansa ang team sa gold chance sa Malaysia SEA Games sa kabila na may apat na import mula Switzerland ang karibal na Thailand.