Holdaper sa Olongapo ‘di nakaporma kay misis

Hindi nagawang maituloy ng isang binata ang balak na panghoholdap sa loob ng isang computer shop nang manlaban ang bibiktimahin nitong misis sa lungsod ng Olongapo.

Sa kuwento ng ginang na si ‘Maj’ (hindi tunay na pangalan) nangyari ang insidente sa loob ng net shop sa Rotonda – Ulo ng Apo bandang alas-12:49 ng tanghali noong araw ng Miyerkules.

Kasama ng ginang ang kanyang dalawang anak na nasa edad na 10 at 6 nang biglang lumapit ang suspek at saka itinutok ang kutsilyo, gayunpaman ay naging maagap ang ginang at hinawakan nito ang kamay ng suspek at nakipagpambuno hanggang sa kumaripas ito ng takbo.

Nagsagawa naman ng follow up operation ang pulisya ng Olongapo City nang magsumbong ang biktima subalit hindi na naaresto ang suspek.