Madadagdagan ang holidays sa Pilipinas matapos aprubahan ng Kamara ang panukalang nagdedeklara bilang working holiday ang Enero 23 o ang araw ng pagdedeklara ng First Philippine Republic.

Walang kahirap-hirap na ipinasa sa House committee on revision of laws na pinamumunuan ni Pangasinan Rep. Marlyn L. Primicias-Agabas ang House Bill 477 na inakda ni Bulacan Rep. Jose ­Antonio R. Sy-Alvarado.

Unang idineklara ng First Philippine Republic noong Enero 23, 1899 sa Barasoain Church in the City of Malolos, Bulacan.

Kapag naipasa na sa plenaryo ang nasabing panukala at magkakaroon na ng counter-measure sa Mataas na Kapulungan o ng Senado ay magiging 23 na ang ­national holiday ng mga Filipino.

3 Responses

    1. Booobooo, yun ang komento mo na walang koneksyon sa headline? Pag dutards ang nagkomento bistado walang isip tulad ng poon nyong nazeraanna talking without thinking