Humirit ng set 5 ang PLDT Home Fibr upang pagulungin ang Generika-Ayala Lifesavers 24-26, 25-23, 18-25, 25-21, 15-8 kagabi sa Philippine Superliga Grand Prix, 2019 sa Bacoor Strike Gym sa Bacoor City.

Kinapitan ng PLDT sina American imports Grace Lazard at Kendra Dahlke upang ilista ang unang panalo matapos ang back-to-back setbacks sa kanilang unang dalawang laro.

Nagtala si Lazard ng 22 points habang 21 markers ang inambag ni Dahlke para sa PLDT na sinamantala ang pagkakaroon ng ankle injury ng import ng Lifesavers na si Nikolle del Rio ng Brazil.

Napilayan si Rio sa kanyang unang laro sa Generika-Ayala sa event na suportado ng ESPN5 at 5Plus bilang broadcast partners.

“We needed this win to lift everyone’s spirits,” saad ni Lazard.