* Apple cider vinegar — I-mix ang apple cider vinegar at tubig in equal amount at ipahid sa anit. Ibabad hanggang 20-30 minuto at saka ito banlawan.
* Baking soda — Ihalo ito sa iyong paboritong shampoo at ito ang gamitin.
* Bawang — Dikdikin ang isang clove, ihalo sa tubig at saka ipahid sa anit. Makaraan ang ilang minuto, hugasan ito gamit ang shampoo. Maaaring maglagay ng honey o luya sa mixture para mabawasan ang amoy-bawang.
* Aloe vera — Kuhanin ang extract ng aloe vera at ilagay diretso sa anit. Imasahe ang ulo at pagkaraan saka hugasan gamit ang shampoo.
* Egg yolk — Siguruhing tuyo ang buhok. Ilagay ang dalawang egg yolk sa anit, imasahe ang buong ulo at pagkaraan ay balutin ng plastic bag. Ibabad ito hanggang isang oras at saka hugasan gamit ang shampoo.
* Coconut oil — Maglagay ng limang kutsarang coconut oil sa kamay, ilagay ito sa anit at imasahe ang buong ulo. Ibabad ito hanggang isang oras at saka hugasan gamit ang shampoo.
* Lemon o Kalamansi — Pigain ang lemon o kalamansi para makuha ang katas at ilagay sa anit. Imasahe ang ulo. Banlawan gamit ang tubig. Gawin ito sa loob ng isang linggo.
* Aspirin — Durugin ang aspirin at imasahe ito sa ulo. Maaari mo ring ihalo ang durog na aspirin (powdered) sa iyong regular shampoo. Ibabad ito ng 2-3 minuto bago banlawan.