tonite-imo-vinia-vivar
Ayon kay Regine Velasquez, wala raw kabalak-balak talaga sa ngayon na pumasok sa politika ang asawa niyang si Ogie Alcasid. Sa tuwing sasapit na lang kasi yata ang eleksyon ay may tsismis na tatakbo ang kanyang mister dahil marami rin naman yata talagang nag-o-offer.
“Tinanong na siya before pero parang hindi siya interested. He said it’s not for him,” sabi ni Regine.
Papayagan ba niya si Ogie sakaling tumakbo ito?
“It’s his decision, wala naman akong ano, basta ako, I will support him whatever his decision, you know, he’ll make. Kasi siyempre, gusto niya gawin ‘yan, di susuportahan ko siya.
“Pero sa ngayon, ang alam ko, ayaw niya. Tinanong ko na siya before, eh. Before, parang he was kinda interested, but then, he said it’s not for him,” sey pa ni Songbird.
And definitely ay hindi naman talaga puwedeng tumakbo sa ngayon si Ogie dahil katatanggap nga lang nilang mag-asawa ng bagong sitcom sa ABS-CBN na pagsasamahan nila.
Bukod pa dito ay may ‘Home Sweetie Home’ rin si Ogie.
Natanong nga si Regine kung ang bago ba nilang sitcom ang papalit sa Home Sweetie Home at ayon kay Songbird ay wala raw siyang idea at wala pa naman daw sinasabi sa kanila kung anong timeslot ito.
Pero ngayong November ay busy si Regine sa kanyang Regine at the Movies na gaganapin sa Nov. 17, 25 & 25 sa New Frontier Theater (formerly Kia Theatre) kung saan ay special guests niya sina Piolo Pascual, Sharon Cuneta and Da­niel Padilla.
Kris Aquino kinagat ng aso sa ingay
Sa kanyang recent Instagram post ay ni-recall ni Kris Aquino kung paano siya nakagat ng 2 nilang aso when she was 4 years old. Pero ang nakakaaliw, aniya, dahil sa ingay niya kaya siya intake ng mga aso nila.
“I was 4 years old when i was severely bitten by our dogs… The memory is CLEAR because i know i had just started kindergarten and i was excited to tell my mom about school.
“Even as a child i was already loud. i went into the garden and tragically the 2 dogs had mistakenly thought that my shouts of excitement were meant to harm my mom, and they ran out of their gated area because it wasn’t securely locked.
“I still remember my mom holding me, afraid to pull me away from the dogs because they might sever an artery or totally bite my left leg off. To this day i have a deep scar behind my left knee, not very noticeable now because the color has blended into the rest of my skin,” ang bahagi ng post ni Kris.
Pagpapatuloy niya, isinugod daw siya sa ospital, bleeding and had 72 stitches plus ‘yung sakit din na tiniis niya sa anti-rabies injections.
Ngayon ay isa na ring ina si Kris kaya naman gusto niya raw gayahin ang mommy niyang si former President Cory Aquino for being a strong woman.
“And that’s why i equate motherhood with STRENGTH. we have one difference that i’m trying to overcome, my mom never let us see her cry nor feel she was weak. she had it so much worse, yet she was a true warrior, my HERO… she willed herself to absorb everything for US, never once complaining.
“I want to be able to keep it together so Bimb no longer needs to feel his 1st duty is to protect his fragile mother… his responsibilities are lifelong: starting with me, then his kuya, and culmina­ting with his own family.
“Time for him to see what his mom is made of,” saad pa ni Kris sa kanyang post.