Noong buhay ni Pia Alonzo Wurtzbach ang itinanghal sa isang drama anthology, si Liza Soberano ang nagbigay buhay sa katauhan nito.
Siyempre pa, palakpakan na may kasamang maraming sigawan ang inani nito kasi nga, kung si Wurtzbach ang most beautiful Filipino in the world, no, the Universe rather, talaga namang every inch of Soberano eh talaga namang pang-goddess of love and beauty kaya no brainer na sa kanya ibinigay ang pagkakataon na maging si Pia.
Ngayon naman, marami ang takang-taka at gustong mahibang, with matching pagdadabog ng bangs at pag-arko ng mga bushy kilay kasi nga, sa nasabing drama anthology, how true na si Mamay Entrata ang gaganap bilang si Catriona Gray?
Huwatttt! Bakit?!! Juice colored na mahabagin!!! No offense meant to Entrata pwede siyang maging super model sa true lang dahil binabali na nga ang standards of what and how a super model should and must look like pero para siya ay maging Bb. Gray, ano ba ito, harap-harapang bastusan at lokohan?
Yes, she may capture the walk, the stance pero ning naman, asan talaga ang pisikal na ganda ni Maymay? Magpakatotoo na tayo? Gandang kasambahay si Entrata na gumaganda lang dahil sa make up at styling. Si Catriona kahit walang make up, maganda talaga.
Can Maymay even speak fluently and flawlessly in the King’s language with a Californian accent at that? Nakita niyo naman kung paano kumuda at humanash si Gray, walang buckle, confident, at kahit mag-Filipino, dinig mo pa rin ang American twang nito. Eh si Entratra, can she kill her Visayan accent lalo na nga’t rinig na rinig mo pa rin ito. Paano pag nag-Ingles si Maymay, parang si Boy Abunda lang, na best in English pero dinig na dinig mo pa rin ang pagiging Visayan nito?
Hindi ko bina-bash si Maymay Entrata, I am just pointing out some obvious points. Hindi rin naman ako magtataka kung marami talaga ang manonood nito dahil nga marami tiyak ang magiging mausisa kung anong bahagi ng buhay ni Catriona Gray ang ibibida sa drama anthology.
Huwag niyo ring sabihin sa akin na bongga ang fan base ni Maymay. Pakisagot nga kung naging major, major box office draw ang una nilang solo starrer. May nakakaalala pa ba kung ano titulo nun?
Kung si Maymay ay naging si Catriona Gray. Kung saka-sakaling mapag-isipan nilang gawing subject sa kanilang drama anthology ang first Filipina na naging Victoria’s Secret rampadora at ngayon ay Sports Illustrated rookie na si Kelsey Merritt, tatambling ba tayong lahat kung saka-sakaling si Kisses Delavin ang gumanap nito?
Hay naku, look na lang ang diva that you love sa sky at tatanungin ang buwan at ang mga Pulis Pangkalawakan.
Anyway, may obserbasyon din na mas maingay ang homecoming at pagkapanalo noon ni Pia Wurtzbach kumpara kay Catriona. Mukhang nasabik kasi noon ang tao dahil matagal bago nagkaroon ulit ng Miss Universe.
***
Pia nahuhumaling sa Korean superstar
Speaking of Pia, mula sa Hong Kong Madame Tussaud’s Wax Museum, may paandar ang Philippine’s 3rd Miss Universe, huh! May kuha si Wurtzbach na kasama ang wax figure ni Korean superstar Choi Si-won at ang kanyang post, “This is for the ultimate kilig moment for all K-Pop fans! swipe left for more! P.S. can you guess what my wax figure’s pose will be? @madametussaudshongkong#PiaMadeIconic.”
Marami naman talaga ang may alam na ang ganitong drama ni Pia ay fan-gurling moment para kay Si-Won na alam naman nating member of the superstar K-Pop group, Super Junior.
Hindi ba nga’t noong nagkonsiyerto dito ang grupo two years ago, may bottled mineral water na inabot ang Koreano sa kanya, may photo for posterity pa sila at they follow each other sa IG.
Kahit pa nga confidently beautiful si Wurtzbach, and she did, and continue to make our country proud, ang mga fan-gurling moment na ganito, mas lalo tuloy siyang minamahal ng kanyang mga tagahanga.
Ang tanong, ang kanyang kasintahang si Marlon Stockinger kaya, chill at cool lang sa paghangang niyang ito sa Korean superstar? Walang duda na “oo” ang sagot sa tanong. Marami na rin silang pinagdaanan bilang magkareleasyon at lahat ay kanilang kinakaya, hindi ba naman? Pwede na ba nating sabihin na silang dalawa ay subok na matibay at subok na matatag na? Naman!