Honeylet pinitik si Garin sa dengvaxia

Honeylet pinitik si Garin sa dengvaxia

Ipinapasa-Diyos na lamang ni Madam Honeylet Avanceña ang mungkahi ni Congresswoman Janet Garin na gamitin ang kontrobersiyal na dengva­xia vaccine para maagapan ang pagtaas ng dengue cases sa bansa.

Natanong ang partner ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mungkahi ni Garin na gamitin ang kontrobersiyal na bakuna at sinabi nitong “Diyos na ang bahalaa sa kanya.”

Matatandaang naging kontrobersiyal ang dengvaxia vaccine dahil sa pagkamatay ng ilang estudyanteng nabakuna­han nito at iniugnay ang nabanggit na gamot sa sanhi ng pagkamatay ng mga ito.

Ipinag-utos ni Pangulong Duterte na ipatigil ang paggamit sa dengvaxia vaccine at kumuha ng eksperto para pag-aralan kung ligtas ba o peligroso itong gamitin sa mga bata.

Si Garin ang isa sa mga kinasuhan ng pamilya ng mga batang nasawi kasama ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Health (DOH).

Si Garin ang health secretary noon nang bilhin at gamitin ang dengvaxia vaccine sa mga bata bilang bahagi ng immunization program ng nakalipas na admi­nistrasyon.

Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa ng Malacañang kung ibabalik mulia ang paggamit ng dengvaxia vaccine bunsod ng pagdagsa ng kaso ng dengue sa bansa.

Marami ang kontra bagama’t may ilang eksperto ang nagsasabi na ligtas itong gamitin. (Aileen Taliping)