HONEYMOON TRAGEDY

person-drown

Humantong sa trahedya ang sana ay masa­yang honeymoon ng isang bagong kasal na dumayo para mag-swimming sa isang sikat na beach sa bayan ng Baras, Catanduanes kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang ­nasawing biktima na si Emily ­Garcia, registered nurse ­habang naisalba ­naman ang asawa nitong si Arvin Ross Garcia isang IT ­programmer at kapwa taga-Maynila.

Sa ulat ng Catanduanes Police Provincial Office (PPO), kamakalawa ng hapon nang maligo ang mag-asawang Garcia sa dinadayong Puraran beach na matatagpuan sa Barangay Puraran ng nasabing bayan.

Sinasabing masaya ang mag-asawa na nagtatampisaw sa dagat nang bigla silang hampasin ng malalaking alon dahilan upang mapunta sila sa malalim na bahagi ng dagat.

Ilang kalalakihan sa beach ang sumubok umanong sagipin ang mag-asawa subalit ­tanging ang lalaki lang ang kanilang nailigtas dahil tuluyang nilamon ng dagat ang asawa nito.

Ayon pa sa mga ­residente ng lugar, bantog ang Puraran beach sa mga turista lalo na sa mga gustong mag-surfing dahil sa malalaking alon nito.

Subalit marami na ang nagbuwis ng buhay sa nasabing dagat dahil sa lakas ng current ng ilalim nito kaya marami ang nalulunod partikular ang mga turista.