Hope Solo suspendido

hope-solo

Sinuspinde si US women’s goalkeeper Hope Solo ng anim na buwan ng US Soccer sa masamang komento nito laban sa Sweden makalipas ang maagang exit ng Americans sa katatapos na Olympic Games sa Rio de Janeiro.

Tinawag ni Solo ang Swedes na “a bunch of cowards” dahil sa pag-focus sa depensa sa halip na atakehin ang three-time defending champion US team. Sa quarterfinals, pinatalsik ng Sweden ang USA, 4-3, sa penalty kicks tapos ng 1-1 draw.

Inihayag ni US Soccer President Sunil Gulati na “unacceptable and do not meet the standard of conduct we require from our National Team players” ang mga sinabi ni Solo.

“Beyond the athletic arena, and beyond the results, the Olympics cele­brate and represent the ideals of fair play and res­pect,” giit ni Gulati.

May sundot si Solo sa kasagsagan ng Olympic tournament, nairita ang fans sa Brazil sa nilagay niyang photo niya sa social media na balot siya ng mosquito net at may hawak na insect repellant.

Binu-boo siya at sinisigawan ng “Zika!” ng mga manonood tuwing sisipa siya sa mga laro.

Pagkaraa’y napag-initan siya sa komentong “cowards”.