Mel Gibson

Kaarawan: Enero 3, 1956

Mahusay na lider at hinahangaan sa kanyang matayog na ambisyon sa buhay. Praktikal sa kanyang mga katwiran at opinyon kaya’t maasahan sa lahat ng oras.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May hindi inaasahang bisita at ang taong ito ay magdadala ng tuwa sa iyong puso. Hindi pa huli para matutunan ang mga bagong aktibidad lalo na ang may kinalaman sa iyong career. Lucky color: Red, lucky number: 33.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ilang bagong karakter ang papasok sa buhay mo at makikilala sila sa pamamagitan ng isang matagal nang kaibigan. Ma­laking impluwensya ang ihahatid nila sa iyong buhay. Tuklasin ang ibang talent na magdadala sa iyo sa ibang mundo na tiyak mong magugustuhan. Lucky color: Violet, lucky number: 4.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Sorpresahin ang iyong mahal na matagal mo nang hindi ginagawa. Mag-isip ng mga bagay na magpapainit muli sa pagsasama. Piliting maging espes­yal ang iyong pakikipag-bonding sa mga mahal sa buhay. Lucky color: Gray, lucky number: 13.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang group activity ang magbibigay-daan para pumasok ang ilang bagong pro­ject. Wag hayaang masira ang reputasyon dahil lang sa maliit ng bagay. Ingatan ang mga bagay na matagal mong ipinudar. Maghahatid sila ng malaking pagbabago sa iyong lifestyle. Lucky color: Brown, lucky number:9.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hindi lahat ng sinasabi ng isang tao ay kailangang agad paniwalaan. Mag-double check ka. Kausapin ang ilang pinagkakatiwalaang kaibigan o mag-research. Mabuti nang makasigurado dahil malaking halaga ang ipinuhunan mo. Lucky color: Yellow, lucky number: 28.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Isang kaibigan ang biglang magpapakita sa iyo. May kailangan siyang sabihin kaya’t makinig na mabuti. Malaki ang magagawa nito sa pinaplanong business. Lucky color: White, lucky number: 9.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kung naghahanap ka ng paraan para magkaroon ng dagdag na kita, ngayon ang tamang pagkakataon. Marami kang ideya pero hindi mo alam kung aIin ang angkop para sa iyo. Magkaturo o kumunsulta sa mga taong may experience para hindi malinlang. Lucky co­lor: Brown, lucky number: 11.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Malaki ang potensyal ng isang bagong romansa. Kung may partner ka na, gamitin ang araw na ito para sa malalimang pag-uusap tungkol sa inyong mga plano sa buhay. Kung single, may kakaibang nararamdaman sa isang isang malapit na kaibigan. Lucky co­lor: Maroon, lucky number: 10.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Ang araw na ito ay pabor sa anumang transaksyong may kinalaman sa pagnenegosyo. Maraming posibilidad na puwedeng ikonsidera pero maging mas maingat sa paglalabas ng pera. Lucky color: White, lucky number: 3.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Higit sa lahat ng araw, ngayon mo kailangang maging mas honest sa iyong partner sa buhay. Minsan ka nang nagkamali at wag na itong hayaang maulit. Mahirap ibalik ang nawalang pagtitiwala. Maging maingat sa iyong kilos. Lucky color: Maroon, lucky number: 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – La­ging may handang tumulong sa iyo. Pero alala­hanin pa rin na hindi puwedeng umasa ka na lamang nang paulit-ulit. Matutong tumayo sa sariling mga paa at gumawa ng sariling desisyon sa buhay. Lucky co­lor: Maroon, lucky number: 51.

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Ibigay ang iyong atensyon sa trabaho. Malaki ang potensyon mo sa iyong negosyo. Pagsikapan at bigyan ito ng focus para mas mapaulad. Umaayon sa iyo ang suwerte sa lahat ng anggulo ng iyong buhay. Lucky color: Brown, lucky number: 9.